True Story of KT Cruz
Friday, September 3, 2010
Friday, June 18, 2010
First Time
Madaming first time sa buhay ko na hindi ko makakalimutan, tulad ng may honor ako noong grade 1 at sinundan pa nito noonng grade 2.. Sobrang saya ko noon. Siyempre regalo ko ito sa magulang ko na hindi nagsasawang sumoporta sa akin. Lalo na yung umaakyat ako sa stage.
May 1st crush ako na hindi ko makalamuta hanggang ngayon. Tawagin na lang natin siyang “Brown Eyes”. Noong grade 2 ko siya nakita sa sa bintana namin o minsan sa labas ng room. Grade 4 siya at magkasing tanda lang kami. Magkatabi lang ang rooms namin. Hindi ko na sasabihin kung anong case nya. Basta alam ko may crush ako sa kanya at gwapo siya sa aking paningin..
Lagi ko siyang hinihintay araw. Si Ate Vangie lang ang nakakaalam na crush ko si Brown Eyes. Baka kasi malaman ng mga kaklase ko at baka tuksohin pa ako nila sa kanya. Pero hindi nagtagal, nalaman na nila ng mga teachers namin. Lalo na ni Ma’am Sherrie Lyn na lagi akong kinakantahan ng “Kapag Tumibok Ang Puso” kapag nakikita namin si Brown Eyes. Siyempre kinikilig ako doon.
Nakagawa nga ako ng love story dahil sa kakaisip sa kanya. Tuwing gabi iniisip ko si Brown Eyes at isang araw may napanag-inipan ako na parang love story. Tapos kinabukasan isinulat ko na ang “Love Is All That Matter”. Pero hindi ko ginawang kwento namin. Salamat sa kanya, nalaman ko na marunong pala akong mag-compose.
Itutuloy.
Sunday, June 6, 2010
Pag-aaral
Noong bata pa lang ako, tinuturuan na ako ni Papa magbasa sa computer. Tinuruan nya din ako mag-computer, mula sa pagbukas ng computer hanggang mag-drawing sa paint at magsulat sa Microsoft word ng iba’t bang font.
Nagbasa din ako ng librong tambuli at liwayway na tagalog magazine. Tagalog lang ang binabasa ko at hindi pa ako nakakabasa ng engliash.
--------------
Grade 1:
2001 na at 12 years old ako, nag-design ang aking magulang na mag-aral ng elementary sa special class sa Limay, Bataan. M.R. Class ang tawag sa klase namin at sa kabilang kwarto naman ay H.I. Class Kung susumahin, oo matanda na ako ng nagsimula ako mag-aral.
Hindi naman pala ako ang pinamatanda, akala ko kasi noon ako ang pinaka matanfa. Merong 18 years old, 19 years old at 20 years old, at ang pinakamatanda ay 30 years old. Iba iba rin ang mga sakit namin.
Si Mama ko ang naghahatid sundo sa akin sa school. Nagpapakapagod magbuhat sa akin. noong grade 1 ako, panghapon ako ang klase ko. Siya din ang taga paligo at taga pakain. Si Mama ang super hero ko.
Si Ma’am Elvie Calma yung teacher namin. Noong una kinakabahan ako pero yung nalaman ko mabait siya sa mga bata at matyaga siyang magturo, hindi na ako kinakbahan. Natatandaan ko pa nga eh, siya ang nagsubo sa akin noong recess time. Kasi nahihiya siyang tawagin si Mama noong nagbabantay pa siya sa school.
Si Ma’am ang nagturo sa akin magbasa ng English, magbasa ng sentence, magbilang at etc.
Sila Ate Vangie, Carissa at Jennylyn ang pinaka malapit sa akin. Si Marvin at si John Cyril ang malapit sa akin. Pero noong una nahihiya pa ako sa kanila pero kalaunan naging madaldal na ako.
Natatandaan ko nga eh, kapag recess o kapag may meeting ang mga teachers, maingay kami sa room namin. Kwentuhan doon, kwentuhan dito. Secret doon, secret dito.

Sunday, May 23, 2010
Ganito Pala Ako
Noong bata pa ako, akala ko ordinaryong bata lang ako. Naglalaro ng luto-lutoan, naglalalaro ng Barbie at iba pa. pero napansin ko sa mga kalaro ko, sila kamay ang mga ginamit at ako ako lang ang pa ang ginagamit yung paa sa paglaro.
Enjoy naman ang pagkabata ko, pero hindi maiiwasan na may taong nanguangutya sa akin. Halimbawa ko na lang ay yung may nagtatawag sa akin ay pilay. Hindi ko maiiwasan na umiyak ako. Pero ngayong lumaki na ako, hindi na ako umiiyak, at iniisip ko na lang na “hindi naman ako pilay, may cerebral palsy at nakaupo naman ako sa wheal chair. Wala namam akong ginagawang sa inyong masama.”
Sa paglaki ko, nauunawaan ko hindi pala ako normal. May kapansanan pala ako. Akala ko simple lang ang buhay ko. Madadami pala ako pagdadaanan sa buhay. Siguro kung normal ako, hindi gaano makulay ang mundo ko.
Abangan ang pag-aaral ko.

Friday, May 21, 2010
Ang Simula
Ako si KT Cruz, 20 years. Ako ay may cerebral palsy. Hindi nakakalakad at hindi masyadong nakakagalaw ang kamay.
Pinanganak ako at aking kakambal noong July 24, 1989. Seven months pa ang tyan ni Mama noon at normal delivery pa siya noong pinganak kami. 50-50 ang buhay namin pero sa awa ng Panginoon buhay pa kami hanggang ngayon. At ang kakambal ko ay normal at nakakalak.
After 8 months, nagsasalita na kami ng konti. Pero nagtataka ang mga magulang ko dahil yung kamkambal ko nakakagapang na at nakakatadap. Pero ako nakahiga lang sa kama.
Pina-check up agad ako sa hospital ng mga magulang ko. At doon nalaman nalaman na may cerebral palsy ako. Simula noong lagi na ako pinapa-check up sa iba’t ibang hospital.
Gusto kong ikwento sa inyo. Kahit ganito kaming may kapansanan, makulay naman ang buhay namin. Sana sundan nyo ako
Itutuloy…

Subscribe to:
Comments (Atom)